LGU Sportsfest Championship and Awarding Ceremony
Published: October 12, 2016 05:12 PM
Kasabay ng championship at awarding ceremony ng LGU Sportsfest 2016 nitong nakaraang Biyernes (Oktubre 7), nagpagalingan sa pagsayaw at pagkanta ang mga pambato mula sa gray, blue, green, red, at yellow team na hinati mula sa apatnapu’t anim na opisina ng Lokal na Pamahalaan.
Tinanghal na overall champion ang gray team, samantala hindi naman nagpahuli ang yellow team na nakakuha ng 2nd place at 3rd place ang red team.
Tumagal ng mahigit isang buwan ang kompetisyon at nagpaligsahan ang mga kalahok sa mga larong basketball, volleyball, chess, bowling, table tennis, at badminton.
Nagbigay naman ng mensahe ang Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador na sana mas tumibay pa ang ugnayan ng bawat isa para sa mas maganda at maayos na serbisyo para sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Jose.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Congresswoman Micaela “Mikki” Salvador Violago.
Maliban sa layunin ng kompetisyon na patatagin ang samahan ng mga empleyado ng LGU, layunin din nitong magkaroon sila ng healthy and active lifestyle. (Jennylyn N. Cornel)