LGU Utility Staff Meeting Re. Waste Segregation | 15 Sept. 2016
Published: September 15, 2016 06:25 PM
Bilang bahagi ng kampanya para sa maayos na pamamahala sa basura sa lungsod, pinulong kanina (September 15, 2016) ang lahat ng mga utility staff ng city hall upang bigyan sila ng kaalaman patungkol dito.
Ibinahagi ni CENRO Staff Abigail Mapoy ang wastong pagbubukod-bukod ng mga basura, kagaya na lamang ng mga basurang nabubulok, mga recyclables, residwal at hazardous o special waste. Mahalaga rin aniyang paghiwalayin ang mga basa at kumakatas na basura kagaya ng mga pinagbalatan ng prutas at gulay sa tuyong basura tulad ng mga dahon at maliliit na sanga.
Kaugnay nito, pinapaalalahanan naman ang publiko na sumunod sa ordinansa kaugnay sa proper waste segregation management sa lungsod.