Libreng artificial legs at leg braces, inihandog sa mga PWD
Published: July 17, 2018 01:17 PM
Hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan sa pagtulong sa mga kapatid nating Persons With Disability (PWD) para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Sa katunayan, napagkalooban ng libreng artificial legs at leg braces ang 12 PWD kahapon, Hulyo 16.
Bukod dito, may pito pang nasukatan at inaasahang mabibigyan din ng artipisyal na paa sa buwan ng Setyembre.
Hindi lang mga taga-San Jose ang natulungan ng programa dahil may mga bisita ring mga taga karatig-bayan gaya ng General Natividad, Rizal at Baler na nagpasukat.
Kung matatandaan, noong nakaraang taon at mga nakaraang buwan ay marami nang PWD ang nabigyan ng prosthetic legs at iba pang assistive devices gaya ng wheelchair at crutches.
Sa mensahe ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, sinabi niyang patuloy na tutulungan at susuportahan ng Lokal na Pamahalaan ang mga programa para sa sektor ng PWD.