News »


Libreng Serbisyo handog ng K Outreach sa Brgy. Kita-Kita

Published: September 24, 2019 12:00 AM



Handog ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose ang libreng serbisyo sa pamamagitan ng K-Outreach Program sa mga taga-Brgy. Kita-Kita nitong Setyembre 19.

Sa kabila ng masungit na panahon ay dinagsa pa rin ng mga residente ang programa upang makisaya at makakuha ng iba’t ibang serbisyo.

Ilan dito ay medical at dental check-up, libreng gamot, bakuna para sa mga bata, libreng konsultasyon, bitamina at pampurga para sa mga alagang hayop. 

Nagkaroon din ng libreng gupit, massage therapy, pamimigay ng salamin sa mata, bigas, seedlings, pagpapayo tungkol sa tamang pagpaplano ng pamilya, pagtulong sa mga pangangailangan ng mga senior citizen, at marami pang iba.

Hindi naman pinalagpas nina Punong Lungsod Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang na dumalo rito kasama ang iba pang opisyal ng lungsod. Naroon din ang mga opisyal ng barangay para sumuporta.

At bilang tradisyon, nagkaroon din ng boodle fight kung saan masayang nakasalo ng mga residente si Mayor Kokoy.

Sa darating ng Huwebes (Setyembre 26), tutungo naman ang K Outreach sa Brgy. Kaliwanagan.