News »


Libreng Wheelchair at Prosthesis

Published: April 05, 2023 12:58 PM



Nakatanggap ng libreng wheelchair at prosthesis ang 21 person with disabilities (PWD) sa munisipyo kaninang umaga (Abril 5).

Sa 21 benepisyaryo, 16 ang nabigyan ng wheelchair at lima naman ang nakatanggap ng prosthesis ayon sa PWD Affairs Office (PDAO).

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Ayon kay Mayor Kokoy, kung mayroon pang mga nangangailangan ng wheelchair o prosthesis, huwag mahihiyang lumapit sa kaniyang opisina o sa PDAO.