News »


Linggo ng Kabataan, ipinagdiriwang sa lungsod

Published: December 06, 2018 04:30 PM



Ipinagdiriwang ngayon sa lungsod ang Linggo ng Kabataan na sinimulan nito lamang Lunes, Disyembre 3.

Nailuklok bilang Little City Mayor si Mark Darelle Martin ng San Jose City National High School at Little Vice Mayor naman si Daryl Joy Abaco ng Elim School for Values & Excellence.

Nagmula sa pampubliko at pribadong paaralan ang mga piling mag-aaral at itinalaga bilang junior counterparts ng mga halal na opisyal ng lungsod at mga pinuno ng iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang Oathtaking ceremony ng Little City Officials kasama sina Vice Mayor Glenda Macadangdang at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Gagampanan ng mga nahalal na Little City Officials ang pang-araw-araw na tungkulin na itinalaga sa kanila at magkakaroon ng aktuwal na karanasan sa serbisyo-publiko hanggang Biyernes, Disyembre 7.

Magkakaroon din ng Student Leaders’ Night sa Biyernes bilang pagpupugay sa mga kabataang lumahok sa nasabing programa.