Little City Officials, nanungkulan na
Published: December 06, 2016 04:07 PM
Nanumpa na nitong Lunes ang mga kabataang magsisilbing opisyal ng lokal na pamahalaan sa loob ng isang lingo bilang pagdiriwang sa Linggo ng Kabataan.
Pinangunahan ni Vice Mayor Glenda Macadangdang ang panunumpa at pagbati sa mga ito sa kanilang magiging tungkulin.
Napiling Little City Mayor ngayong taon Little City Mayor Ranil B. Landicho Jr. ng Saint John’s Academy, at mula naman sa Porais High School ang magsisilbing Little City Vice Mayor na si Jester Peralta.
Sa talumpati ni Little City Mayor Landicho Jr. sinabi niya na mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili upang magampanan ng tapat ang mga trabaho may nakakakita man o wala.
Ipinaabot naman ni City Mayor Kokoy Salvador ang kanyang pagbati sa pamamagitan ni City Administrator Alexander Glen Bautista kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng oras o panahon sa mga kabataan dahil ito aniya ang isa sa mga magiging inspirasyon nila sa kung anumang landas ang kanilang tatahakin.
Nagmula sa labing-pitong (17) pampubliko at pampribadong paaralan ang mga estudyanteng kinatawan na uupo bilang Mayor, Vice Mayor, City Councilors at Department Heads simula December 5 hanggang December 9. (Ella Aiza D. Reyes)