News »


LTOPF Caravan, pinilahan

Published: September 13, 2018 01:47 PM



Nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) San Jose City ng isang araw na License to Own and Possess Firearm (LTOPF) Caravan nitong Setyembre 10 upang hikayatin ang mga gun owner na kumuha ng lisensya para sa pagkakaroon ng baril o armas.

Matiyagang pumila ang isang daang katao na mapalad na nagkaroon ng slot para makakuha ng LTOPF.

Kabilang sa mga rekisitong dapat pagdaanan ng nais kumuha ng lisensya ng baril ay ang Neuro-Psychiatric written exam, drug test, practical shooting, at pagsusumite ng iba pang papeles gaya ng police clearance, valid government-issued ID, birth certificate, at iba pa.

Layunin din ng aktibidad na ito na mapalawak ang kaalaman ng mga nagmamay-ari ng mga baril na mas maging maingat at responsable sa pagkakaroon nito.