Mahahalagang Tungkulin ng Kalalakihan, itinuro sa KATROPA
Published: November 16, 2018 04:50 PM
Upang lalong maunawaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng kalalakihan sa lipunan at sa pamilya, nagdaos ang City Population Office (CPO) ng seminar ukol sa Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya (KATROPA) nitong ika-15 ng Nobyembre sa Tayabo Nature’s Park.
Dinaluhan ito ng mga Migration Information Officer at ilang opisyales at kinatawan ng barangay muIa sa Malasin, Manicla, Kita-Kita, Tayabo, at Villa Floresta.
Ilan sa mga naging paksa sa seminar ay ‘Ako bilang Lalaki’, pag-unawa sa sekswalidad, pagpapabuti ng relasyon sa kabiyak, pagprotekta sa kabiyak laban sa gender-based violence/violence against women, at pangangalaga sa sarili at sa kabiyak mula sa sexually transmitted infections at HIV/AIDS.
Nagsilbing tagapagsalita rito sina City Councilor Patrixie Salvador; mga kinatawan ng CPO na sina Normita S. Agbayani, Ruth T. Tan, at Jovisita dela Rosa; at Cristina Falloran ng City Health Office.
Dumalo rin sa seminar si Mayor Kokoy Salvador upang magbigay suporta sa aktibidad. Binigyang diin din niya ang mahalagang papel ng magulang sa pagpapalaki ng anak at sinabing sana ay magandang asal at tradisyon ang ipamana sa mga anak.
Lahat naman ng kalahok ay lumagda sa Pledge of Commitment para sa pagpapalaganap ng adhikain ng KATROPA.