News »


Market Administrators ng N.E, nagpulong sa lungsod

Published: March 15, 2018 04:04 PM



Dumayo sa Lungsod San Jose ang mga Market Administrators mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad sa Nueva Ecija upang isagawa ang 1st Quarterly Meeting ng Nueva Ecija League of Market Administrators (NELMA), kung saan tinalakay ang best practices, accomplishments at kontribusyon ng Public Market Office pagdating sa pagpapaunlad ng lungsod.

Iprinisinta ni City Public Market Superintendent Jingle Barlaan ang mga accomplishments ng lungsod at magagandang nagawa sa San Jose sa patuloy na paggabay at pagtulong ng lokal na pamahalaan.

Natuwa naman ang mga bisita sa nakitang malaking pagbabago sa lungsod at nagpasalamat sila kay Mayor Kokoy Salvador sa walang sawang pagsuporta sa kanilang asosasyon.

Sa mensahe ng Punong Lungsod, ipinaabot niya ang kaniyang pasasalamat sa kanilang pagbisita, at sinabing ipagpapatuloy ang kaniyang adbokasiyang mas mapaunlad pa ang lungsod at matulungan ang mga mamamayan ng San Jose.

Kabilang sa mga regular na programa ng Bagong San Jose ang patuloy na pagpapaganda at pagsasaayos ng Public Market.

Kaugnay nito, nagbahagi rin ng mga ideya ang mga dumalo para mas mapabuti at mapaunlad pa ang mga palengke sa kani-kanilang bayan.

Sa araw ding iyon, nanumpa ang mga nahalal na opisyal ng NELMA na pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador.

Pinangunahan ng mga kawani ng Public Market Office ang nasabing aktibidad na ginanap sa Farmhouse Hotel and Café nitong Marso 9.