News »


Master’s Thesis Writing Program at Bachelor’s Degree Scholarship Program

Published: September 12, 2022 01:00 AM   |   Updated: October 14, 2022 04:46 PM



Ipinagkaloob ngayong araw (Setyembre 12) ang tulong pinansiyal para mga benepisyaryo ng Master’s Thesis Writing Program at Bachelor’s Degree Scholarship Program para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Tumanggap ng PHP10,000.00 ang 21 benepisyaryo ng Master’s Thesis Writing Program na residente ng Lungsod San Jose at kasalukuyang nagtatrabahong guro at/o empleado ng gobyerno sa lungsod, alinsunod sa City Ordinance No. 20-009.

Nabigyan naman ng PHP7,000.00 ang tatlong kawani ng LGU na kwalipikado sa Bachelor’s Degree Scholarship Program batay sa City Ordinance No. 21-008.

Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga benepisyaryo na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para mas maging mahusay na lingkod bayan.

Binati naman ni City Administrator Alexander Glen Bautista ang mga napabilang sa programa at pinuri sila sa pagpupursige na mas matuto.

Idinaos ang nasabing aktibidad kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil.