Max�s Restaurant, nagbukas na sa San Jose City
Published: October 08, 2018 04:12 PM
Hindi talaga nagpapahuli ang lungsod pagdating sa pagbibigay kasiyahan sa mga mamamayan at tunay ngang tuloy-tuloy ang progreso rito.
Nito lamang ika-4 ng Oktubre, binuksan ang Max’s Restaurant sa Maharlika Highway, Brgy, Caanawan. Ang Max’s ay sikat sa produkto nitong “sarap to the bones fried chicken” at mga pagkaing Pinoy.
Pinangunahan ni Fr. Edwin Bravo ang pagbabasbas ng bagong kainan, habang sina Max’s Restaurant National Business Unit Head Paolo Serrano, Max’s San Jose City franchisee Ed Alfonso at Mayor Kokoy Salvador kasama ang kanyang maybahay, Veronica Salvador, ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony.
Dumalo rin si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, gayundin ang ilang miyembro ng San Jose City Rice Millers Association, ilang bank managers, at mga negosyante.
Bilang dagdag kasiyahan at pampaswerte, nagsaboy ng mga tsokolate at mga barya ang mga tauhan ng Max’s. Pagkatapos ng seremonya ay maganang nagsalo-salo ang lahat ng mga dumalo.
(Ramil D. Rosete)