May Forever sa Araw ng mga Puso
Published: February 15, 2018 06:06 PM
Nagmistulang engrande ang maayos na Kasalang Bayan na ginanap kahapon (Pebrero 14) sa City Hall Compound sa pangunguna ng Local Civil Registry Office at ng Office of the City Mayor. Ito ay puspusang pinaghandaan ng Lokal na Pamahalaan para sa 85 na pares na nag-isang dibdib.
Isinabay sa espesyal na araw ng mga puso ang Kasalang Bayan para mas maging makabuluhan at makahulugan ang araw na sila’y nagpalitan ng mga wedding vows.
Sinimulan ang okasyon sa paglakad ng mga magkapares sa red carpet na nasa City Hall Courtyard na pinalamutian ng mga bulaklak at mga pailaw na nagpatinggad sa lugar. Masaya naman itong sinaksihan at pinanood ng kanilang mga kaanak at bisita.
Kasunod nito ang pormal na seremonya at pagbasbas ni Mayor Kokoy Salvador na siyang nagsilbing solemnizing officer ng naturang okasyon.
Sa mensahe ng Punong Lungsod, binati niya ang mga ito sa kanilang espesyal na araw at hinangad na maging masaya ang kanilang pagsasama.
Naghanda rin ang lokal na pamahalaan ng isang “wedding reception” para sa mga ikinasal at sa kanilang mga bisita na isinagawa sa City Social Circle habang nakikinig sa mga awit ng pag-ibig ng bandang nagbigay kasiyahan sa gabing iyon.
Maliban sa local media na nagsagawa ng documentation, dumayo rin sa lungsod ang mga taga-GMA-7 para sa kanilang coverage ng naturang okasyon. Ayon sa kanila, naging interesado sila sa Kasalang Bayan sa lungsod nang makita nila ang announcement tungkol dito sa Facebook. Dagdag pa ng crew na dumating, kapansin-pansin ang pagiging maayos at elegante ng maramihang kasal.
Ang couple na unang naka-kumpleto ng mga requirements para sa Kasalang Bayan ay binigyan din ng libreng pre-nup shoot, wedding album, make-up at honeymoon package.