News »


Mayor Kokoy, humarap sa mga taga-Brgy. Bagong Sikat

Published: September 21, 2016 05:43 PM



Muling naghatid ng iba't ibang serbisyo ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador sa mga taga-Brgy. Bagong Sikat sa ginanap na ika-apat na K Outreach program ng kanyang administrasyon.

Pinakinggan ni Mayor, kasama ang ilang konsehal at mga kawani ng lokal na pamahalaan, ang kanilang mga hinaing at nangakong pagtutuunan ito ng pansin sa lalong madaling panahon sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensiya ng City Hall.

Wika ng isang humarap sa Mayor, "Malaking bagay para sa amin na nakakausap namin nang personal ang ating mayor. Hindi na namin kailangang umalis sa baryo namin at dumayo sa City Hall. Nakakatuwa din na wala siyang pinipiling tulungan. Kahit sino ay pwedeng lumapit sa kanya."

Taos puso namang nagpasalamat ang mga residente sa naturang barangay sa mga serbisyo at tulong na naibigay sa kanila.