Mayor Kokoy Lawn Tennis Tournament, Matagumpay na Naidaos
Published: June 09, 2017 05:26 PM
Naging maaksiyon ang nagdaang weekend sa lungsod sa ginanap na Mayor Kokoy Salvador Lawn Tennis Tournament.
Idinaos ang naturang torneo mula Biyernes (June 2) sa Resty Tan Memorial Tennis Club (RTMTC) sa Pag-Asa Sports Complex kung saan nagtagisan ang mga kalahok sa iba’t ibang kategorya gaya ng Beginner, Intermediate, at Advanced (Men/Women).
Ipinakita naman ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang kanyang buong suporta sa naturang aktibidad at maagang dumating sa RTMTC upang makihalubilo at personal na makausap ang mga manlalarong kalahok.
Sa Beginners Category, nagkampeon si Lucas Medrano, habang sinundan naman siya nina Nima at Neeyam Ganayo para sa ikalawa at ikatlong puwesto, at ikaapat si Ismael Pangilinan.
Sa Intermediate Level, panalo si Sebastian Tumibay, 1st runner -up naman si Lance Ortiz, 2nd runner-up si Clarenz Jay Cruz, at 3rd runner-up si Max Esguerra.
Sa Advanced Men’s Category, nanguna si AJ Gonzalez, pumangalawa si Aldwin Joson, sumunod si Johann dela Cruz at pang-apat naman si Ivan Charles Dulay.
Hindi rin nagpahuli sa Advanced Women’s Category si Erinn Lance Dela Cruz na siyang nanguna, at sinundan naman siya ni Hannah Jeline dela Cruz, habang nakuha naman nina Joan Yalup at Kleian Alejo ang ikatlo at ikaapat na puwesto.
Nagtapos ang Lawn Tennis Tournament noong Linggo (June 4) sa Team Competition kung saan nakuha ng Green Team ang kampeonato, 2nd place ang Red Team, 3rd place ang Blue Team, at 4th place ang Yellow Team.
(Melody Z. Bartolome)