News »


Mayor Kokoy, tumanggap ng parangal mula sa DepEd

Published: December 12, 2018 03:41 PM



Tinanggap ni Mayor Kokoy ang “Regional Literacy and NALSTAR Award” sa kauna-unahang awarding na isinagawa ng Department of Education – Region III bilang pagkilala sa kaniyang marubdob na pagsuporta sa programang Alternative Learning System (ALS).

Pumili ang naturang kagawaran ng magagaling na lider na sumusuporta sa mga programang pang-edukasyon at isa si Mayor Kokoy sa dalawampu lamang sa buong Region 3 na nabigyan ng parangal noong Martes, ika-11 ng Disyembre sa Olongapo City.

Ang Alternative Learning System ay isang parallel learning system sa Pilipinas na nagbibigay ng praktikal na opsyon sa umiiral na pormal na pagtuturo. Kapag ang isang tao ay walang o hindi ma-access ang pormal na edukasyon sa mga paaralan, ang ALS ay isang kahalili o kapalit. Para mabigyan ng mas malawig na kaalaman ang mga Out of School Youth sa Lungsod ng San Jose, buong-pusong isinusulong ito ng Punong Lungsod.

Kabilang sa mga programa ni Mayor Kokoy Salvador ang paglalaan ng pondo para sa pagpapagawa ng mga learning centers, pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataan sa Skills Training and Learning Center, pagbibigay katuparan sa Abakada Turuan, at marami pang iba. Sa kasalukuyan, isinusulong din niya ang Mobile Internet Learning na tiyak pakikinabangan ng mga tao sa modernong panahong ito.

Dumalo rin sa awarding ceremony si Gng. Beatriz F. Martinez, Education Supervisor ng ALS, na siyang nag-nominate kay Mayor at pinalad namang mapili ng mga opisyal ng DepEd Regional Office III- Curriculum and Learning Division.