Medical Mission, Kasalukuyang Isinasagawa
Published: February 12, 2018 05:40 PM
Nagsimula na ngayong araw ang malakihang medical mission na pinangungunahan ng Phil-Am Medical Mission Foundation of Michigan sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose.
Kabilang sa mga serbisyong inihahatid ng naturang aktibidad ay breast cancer detection and screening; minor/outpatient surgery gaya ng pagtanggal ng lumps/cyst/bukol sa katawan; major surgery gaya ng thyroidectomy, mastectomy, cholecystectomy, herniorrhaphy, cheiloplasty, palatoplasty at hysterectomy; libreng check-up at konsultasyon; dental services gaya ng libreng bunot ng ngipin at pustiso; blood pressure at blood sugar screening.
Isa sa mga nanguna sa Medical Mission si Nurse Annie Vista na tubong San Jose at kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos kung saan siya nag-retiro na rin matapos ang matagal na panahong pages-serbisyo bilang nurse. Bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayang kaniyang kinalakihan, muli silang nagsagawa ng medical mission sa lungsod para makatulong sa kaniyang mga kababayan.
Nauna na rito, naghanda kagabi (Pebrero 11) ng welcome dinner ang pamahalaang lokal bilang pagsalubong sa mga bisita.
Lubos naman ang pasasalamat ng naturang asosasyon sa mainit na pagtanggap, pag-aaasikaso at pagtulong sa kanila ni Punong Lungsod Kokoy Salvador at iba pang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan upang maisakatuparan ang misyon.
Ayon kay Mary Ann Espiritu, isa sa makakatanggap ng libreng operasyon, malaking ginhawa aniya ang misyon na ito sa mga katulad niyang kapus-palad, kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng tumulong sa Medical Mission.
Ang naturang medical mission ay tatagal hanggang Biyernes, Pebrero 16.
Samantala, patuloy na inaanyayahan ang mga nais makatanggap ng libreng serbisyong medikal at dental na magtungo lamang sa PAG-ASA Sports Complex mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, at sa City Health Office naman para sa mga major surgery patients na nais magpa-screen kung sila ay “medically fit” upang sumailalim sa isang operasyon.