News »


Mga Barangay Tanod, nagsanay

Published: September 07, 2018 05:01 PM



Para sa maayos na pagpapatupad ng peace & order sa mga barangay, muling nagbigay ng pagsasanay ang PNP San Jose para sa mga Barangay Tanod na ginanap nitong Setyembre 6-7 sa 3rd Floor, City Hall Building.

Layunin ng ‘Barangay Tanod Skills Enhancement Training/Seminar’ na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga barangay tanod ukol sa tamang proseso ng pagsasagawa ng kanilang tungkulin.

Binigyang-diin din sa training ang kanilang mga limitasyon at kung papaano mapipigilan ang dumaraming kaso at reklamo sa barangay.

Nagkaroon din ng “situational training” ang mga dumalo upang masigurong nauunawaan nila nang husto ang tungkulin ng isang tanod.

Nagsilbing tagapangasiwa sa diskusyon at nagbigay ng mahahalagang impormasyon sina PInsp. Rufinita B. Garcia, PO3 Vladimir C. Caratiquet, SPO1 Grace D, Berondo, SPO1 Michael Aquino, SPO1 Jun Trinidad at PO1 Christian L. Pulido. Tinalakay nila ang Duties & Responsibilities ng mga Barangay Tanod, Barangay Intelligence Network (BIN), Laws for Children, Basic Investigation & Katarungang Pambarangay Law, Handcuffing Technique/First Responder Role, at Search, Rescue, & Disaster Preparedness/Fire Safety & Maintainance.

Ayon sa mga dumalo, napakahalagang nabigyan sila ng sapat na kaalaman upang maiwasan ang pagsampa ng mga kasong kayang lutasin na sa barangay at di na kailangan pang umabot sa opisina ng kapulisan.

Pinangunahan ng San Jose City Police Station ang training/seminar sa pamumuno ni PSupt. Marco A. Dadez, Chief of Police. Suportado naman ng hepe ng DILG na si Ms. Rowena S. Adriano at ng Punong-Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang nasabing aktibidad.

(Ramil D. Rosete)