Mga Estudyante, nagpamalas ng husay sa pagsulat at pagpinta
Published: August 15, 2018 02:50 PM
Nagtagisan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod sa larangan ng Essay Writing, Slogan Writing, Poster Making, at Pintahusay noong Agosto 8, 2018 sa City Hall Building.
Ito ay kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day na may temang “Isang Lungsod Na Maipagmamalaki, Mahal Ko Ang San Jose.”
Pinangunahan ang programa ng mga Education Program Supervisors na sina Sierma R. Corpuz, Ronald G. Morla, Darius P. Tolentino, Lordennis T. Leonardo, Elizabeth DG. Galindo, Marissa B. Allas, at ng Schools Division Superintendent na si Teresa D. Mababa, CESO V.
Sumuporta naman at nagbigay ng mensahe si Mayor Kokoy Salvador sa mga estudyanteng lumahok sa kompetisyon. Ang patimpalak na ito para sa mga mag-aaral tuwing City Day ay muling binuhay ng Punong Lungsod nang kanyang pangunahan ang pagdiriwang ng okasyon noong 2016, bilang pagkilala sa husay ng mga mag-aaral sa lungsod at upang lalo pang malinang ang kanilang talento sa mga larangang ito.
Sa larangan ng Pintahusay, nagwagi ang obra ni Jenrique Art C. Danao ng Mount Carmel Montessori. Pumangalawa naman si Aubrey Mae S. Medina ng San Jose City National High School at nasungkit naman ni Cersian Flora ng Caanawan High School ang pangatlong puwesto.
Matapos ang matagal na deliberasyon ng mga hurado sa Essay-Writing Contest (High School Level), nagningning ang tagumpay kay Jascha Alexandra M. Arco ng San Jose City National High School. Nakuha naman ni Elijah Kim Harvey M. Allas ng Caanawan High School ang ikalawang gantimpala, at napunta naman kay Carmela D. Canvel ng Sto. Nino 3rd High School ang ikatlong gantimpala.
Samantala, sa Essay-Writing (Elementary Level), nanguna si Ayessa D. Paray ng San Juan Elementary School, pumangalawa si Mary Krisshale Bautista ng Balacat ES, at pumangatlo si Nicole Anne Senangelo ng Manicla ES.
Sa Poster-Making Contest (Elementary Level), nagwagi si Hannah Ericka Sacdalan mula sa Palestina ES. Nakuha naman ni Emmanuel Marzan ng Malasin ES ang ikalawang pwesto, at si Resian Domingo ng Balacat ES ang pangatlong pwesto.
Nasungkit ni Chari Justin S. Valdez ng San Jose City High School ang unang gantimpala sa Slogan-Making Contest (High School Level). Pumangalawa si Sandra Faith Estal ng ELIM, at pangatlo si Bianca R. Leguiab ng Bettbien High School. Sa elementary level, napunta kay Avril B. Rosie ng Lomboy ES ang unang pwesto, kay Cyrus C. Lagmay ng Porais ES ang ikalawa, at kay Lucas A. Bautista ng Habitat ES ang pangatlo.
“San Jose, Mahal Kong Bayan, Ipagbunyi Taglay Niyang Ganda’t Kahusayan” ang winning piece ni Valdez sa Slogan (High School) at “Ang Ating Lungsod na may Gintong-Ani, Binigkis Upang Ating Ipagmalaki” ni Rosie naman sa Sslogan (Elementary).
Iginawad ang premyong cash at sertipiko sa mga nagwagi noong Agosto 10 sa PAG-ASA Sports Complex.
(Ramil D. Rosete)