Mga estudyante ng SPED, binigyan ng ayuda
Published: September 10, 2019 12:00 AM
Tumanggap ng tulong pinansiyal (financial assistance) ang 114 na mag-aaral ng Special Education (SPED) ng DepEd San Jose kahapon, Septyembre 9 bilang ayuda ng lokal na pamahalaan.
Isinagawa sa San Jose West Central School ang pamamahagi ng apat na libong piso (4,000) kada estudyenteng nasa kindergarten hanggang grade six at mga non-grader students para sa school year na ito.
Dumalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador para magbigay ng suporta, kasama si City Councilor Wilfredo "Amang" Munsayac. Naroon din ang mga guro ng SPED at SJWCS Principal Yolanda Bulatao.
Sa mensahe ng Punong Lungsod, ipinahayag niyang espesyal sa kanya ang mga batang tulad nila at maituturing silang mga anghel ng pamilya.
Sinuklian naman ng matatamis na ngiti at pasasalamat mula sa mga bata at kanilang mga magulang ang natanggap nilang tulong pinansiyal.