News »


Mga kabataan, nagtagisan sa PopQuiz at Skills Exhibition

Published: October 12, 2018 12:26 PM



Nagpaligsahan sa iba’t ibang larangan ang mga mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod sa 2018 Population Quiz (PopQuiz) and On-the-Spot Skills Exhibition na ginanap nitong Miyerkules (Oktubre 10).
May temang “Family Planning is a Human Right” ang naturang aktibidad na pinangunahan ng City Population Office katuwang ang Department of Education (DepEd).
Ito ay taunang kaganapan na naglalayong magbigay ng kaalaman at impormasyon sa mga kabataang Filipino, at sukatin ang kanilang pagkaunawa sa kasalukuyang mga isyu ng populasyon.
Layon din nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral sa high school na maipakita ang kanilang mga talento at kasanayan.
Kabilang sa mga pinagtagisan ang Essay Writing, Poster-Making, Jingle Writing, Debate, at PopQuiz.
Narito ang listahan ng mga nagkampeon:
Essay Writing – Princess Arriane M. Bugayong, Mount Carmel Montessori Center (Coach: Ma. Mercedes J. Dancel)
Poster-Making – Rd Bandola, Core Gateway College, Inc. (Coach: Maria Vanessa D. Pablo)
Jingle Writing – Krislene R. Gamboa, San Jose City National High School (Coach: Armando R. Quiambao Jr.)
Debate – Emanuel C. Salcedo, Sto. Niño 3rd National High School (Coach: Carlo C. Vallega)
PopQuiz – Von Aldric Dumale, Caanawan High School (Coach: Jin Orpha B. dela Cruz)
Dumalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador, gayundin sina City Councilor Patrixie Salvador at Atty. Ronald Lee Hortizuela para magpahayag ng suporta at naggawad ng parangal sa mga nagwagi.