Pagibang Damara Festival 2024 »


Mga Kandidata at Kandidato para sa Mister & Miss San Jose City 2024 Pageant, naghahanda na

Published: March 25, 2024 08:00 AM   |   Updated: May 30, 2024 04:00 PM



Pagkatapos ng flag raising ceremony sa City Social Circle nitong umaga, Marso 25, ipinakilala na sa publiko ang 11 kalalakihan at 11 kababaihan na magtatagisan para sa mga titulong Mister San Jose City at Miss San Jose City 2024.

Matapos magpakilala at rumampa sa entablado, tinanggap ng mga kalahok ang official sash ng patimpalak mula kay Mayor Kokoy Salvador.

Bumisita rin ang mga kalahok sa opisina ng Punong Lungsod para sa isang courtesy call matapos ang sashing ceremony.

Isa sa inaabangang programa ng Pagibang Damara Festival ang Mister & Miss San Jose City pageant.

Ang pagsali sa patimpalak ay hindi lamang nagbibigay ng karangalan sa mga kalahok kundi nagbubukas din ng mga pintuan ng oportunidad para sa kanilang mga pangarap at ambisyon sa larangan ng beauty pageant at modeling.

Asahan ang mahigpit na labanan at pagpapakitang-gilas ng bawat kalahok sa darating na Preliminary Competition sa April 13 at sa Coronation Night sa April 19, sa Pag-asa Sports Complex.