News »


Mga Libreng Serbisyo Hatid sa 54th City Day

Published: August 14, 2023 10:22 AM



Muling naghatid ng serbisyo rito ang Professional Regulation Commission (PRC) at National Bureau of Investigation (NBI) bilang bahagi ng selebrasyon ng 54th San Jose City Day.

Hindi lamang mga tagalungsod kundi dumayo rin ang taga-ibang bayan para makilahok sa naganap na PRC at NBI Clearance Caravan dito nitong Agosto 9-10.

Nagbigay rin ng kanilang taunang serbisyo na libreng pagrerehistro ng kapanganakan at libreng local civil registry documents ang Local Civil Registry (LCR) Office sa City Hall sa mismong Araw ng Lungsod San Jose nitong Agosto 10.