Mga Lolo at Lola, nagdiwang ng Elderly Filipino Week
Published: October 16, 2018 04:35 PM
Bigay todo sa pakikisaya at pag-indak ang mga lolo at lola na lumahok sa selebrasyon ng Linggo ng Katandaang Filipino (Elderly Filipino Week) na may temang “Kilalanin at Parangalan: Tagasulong ng Karapatan ng Nakakatanda tungo sa Lipunang Mapagkalinga.”
Kasabay ring ipinagdiwang sa okasyon ang ika-33 Anibersaryo ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) kung saan halos mapuno ang Pag-asa Sports Complex sa dami ng mga lolo at lola mula sa 38 barangay sa lungsod na dumalo rito.
Bukod sa sayawan ay nagpamahagi rin si Punong Lungsod Kokoy Salvador ng mga rechargeable speaker na magagamit ng mga senior citizen sa kanilang mga pagtitipon.
Nakisaya rin sa pagdiriwang sina Vice Mayor Glenda Macadangdang, City Councilors Victoria Adawag, Jennifer Salvador, Wilfredo Munsayac, at Atty. Ronald Lee Hortizuela.
Idinaos ang programa nitong Oktubre 12 sa pangunguna ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA).