Mga mag-aaral, nagpaligsahan ng galing sa pagsulat at pagguhit
Published: July 31, 2017 04:04 PM
Lumabas ang pagkamalikhain ng mga batang San Josenio sa katatapos na Essay Writing, Slogan Writing, Poster Making at Pintahusay contests na isinagawa sa 3rd Floor Conference Room noong Huwebes, July 27, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-48 San Jose City Day.
Sa Essay Writing, walong paaralan ang lumahok sa High School Category at labing walo sa Elementary Category. Labing-pitong paaralan naman ang nagpagandahan ng obra ng kanilang kinatawan sa Pintahusay (High School) at dalawampu sa Poster Making (Elementary).
Sa Slogan Writing, siyam na paaralan ang nagtunggali sa High School category at labing-siyam naman sa Elementary.
Sumentro ang tema ng paligsahan sa tema ng City Day ngayong taon na “Bagong San Jose, Magandang San Jose”, kung saan ipinakita at ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ang interpretasyon nila sa tema.
Sa kategoryang Pintahusay, sa kauna-unahang pagkakataon ay ginamit ang medium na acrylic at canvas sa isang patimpalak pagguhit para sa mga estudyante ng lungsod. Ang magwawagi rito ay siyang magiging pambato sa Pintahusay Regional Contest.
Iaanunsyo naman sa mismong araw ng ika-48 anibersaryo ng Lungsod ng San Jose (August 10) ang mga magsisipagwagi sa idinaos na patimpalak at doon na rin sila pararangalan.
Ang naturang contest ay ginanap sa pagtutulungan ng Office of the City Mayor at DepEd San Jose City Division Office upang linangin at suportahan ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral ng lungsod alinsunod sa adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador na “Sa Bagong San Jose, Lahat ng Mamamayan ay may Karunungan”.