Mga magsasaka, pinagkalooban ng mga hand tractor at water pump
Published: October 23, 2018 03:55 PM
Para sa patuloy na pag-angat ng sektor ng agrikultura sa ating lungsod, labinlimang (15) complete set of hand tractor at dalawampu’t dalawang (22) shallow tube water pump ang ibinigay noong nakaraang linggo sa iba’t ibang kooperatiba at samahan ng mga magsasaka at irrigator.
Ayon kay City Agriculturist Violeta Vargas, ito ay nagmula sa Bottom-up Budgeting o BUB na programa ng national government at may counterpart ang lokal na pamahalaan na nagkakahalaga ng isang milyong piso.
Dagdag pa niya, ang mga benepisyaryong tumanggap ng mga nasabing kagamitang pansaka ay iyong hindi pa nakakukuha o nakatatanggap ng kahit na anong ayuda mula sa gobyerno.
Nauna na rito ang paglagda ng isang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador at Department of Agriculture Regional Field Office III nitong Oktubre 16, para sa pamimigay ng mga kagamitan.
Isinagawa ang MOA Signing at pormal na paggawad ng farm machineries sa Tanggapan ng Lungsod Pananakahan sa Barangay Malasin.
Nakatakda namang mabibigyan din ng makinarya ang iba pang magsasaka sa mga susunod na buwan.