Mga naisakatuparang proyekto at plano sa San Jose, tampok sa Ulat
Published: March 22, 2018 03:49 PM
Sinaksihan ng mga San Josenians nitong umaga, Marso 22, ang paglalahad ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ng kaniyang ikalawang Ulat sa Bayan o State of the City Address (SOCAD) na nagpapakita ng mga naisakatuparang mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan noong 2017 at mga plano ngayong 2018.
Sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation, naiprisinta sa publiko ang iba’t ibang serbisyo at mga programa ng pamahalaang lokal para sa mga mamamayan ng San Jose dahil sa tama at maayos na pamamahala ng pondo ng bayan.
Tampok sa AVP ang pag-uulat kung saang mga proyekto dinala ang Development Fund na ipinagkatiwala sa Punong Lungsod, kabilang na rito ang Potable Water System na naitayo sa apat na liblib na lugar, mga proyektong pagpapaganda sa lungsod, mga drainage at kalsada, at marami pang iba. Ibinida rin ni Mayor sa kanyang AVP ang maayos at aktibong pagganap ng iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan sa kani-kanilang tungkulin, patunay dito ang maraming parangal na inani ng lungsod.
Inilahad din ni Mayor ang mga nakaplanong programa ngayong taon gaya ng pagbubukas ng Ospital ng Lungsod San Jose; pagpapatayo ng Youth Activity Center; patuloy na pagbibigay ng Potable Water System sa 25 na barangay sa lungsod; pagpapagawa at pagsasaayos ng bypass roads o alternate routes; patubig para sa mga magsasaka; rehabilitation of hanging bridge sa Tayabo; patuloy na pagpapaganda ng Tayabo Nature Park, Public Market at Agro-industrial Zone sa barangay Tulat; pagdaragdag ng 8 Rescue Vehicle; Riprap Projects sa 9 barangay sa lungsod; at iba pa.
Inilahad din ng Punong Lungsod ang mga proyektong inilapit niya sa ibang ahensya ng gobyerno, katulad ng San Jose City Gymnasium, Evacuation Center sa Barangay Palestina, at Fire Department sa Abar 1st.
Sa mensahe ni Mayor Kokoy, pinasalamatan niya ang mga dumalo sa pagtitipon at hiniling ang patuloy na pakikipagtulungan para sa patuloy na pag-unlad ng Bagong San Jose. Ayon sa kanya, makakaasa ang mga San Josenio na ang kanilang boses ay patuloy na pakikinggan dahil sila ang tunay na amo ng mga inihalal na opisyal ng bayan.
Dumalo sa SOCAD 2018 ang mga City Councilors, mga kawani ng lokal na pamahalaan, barangay officials, mga guro, estudyante at iba’t ibang sektor ng komunidad.
Mapapanood ang kabuuan ng Ulat sa Bayan sa Sabado at Linggo mula alas-sais ng hapon sa San Jose Cable Community Channel. Mapapakinggan din ito sa radyo sa Sabado, Marso 24, sa PIO Hour, alas-diyes ng umaga.
(Jennylyn Cornel)