News »


Mga negosyante sa lungsod, sumailalim sa pagsasanay

Published: November 04, 2016 05:45 PM



Dumayo sa lungsod ang SME Roving Academy ng Department of Trade and Industry (DTI) upang mabigyan ng karagdagang kaalaman partikular ang mga maliliit na negosyante para sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Sa isang seminar na ginanap sa Hotel Francesko kanina (November 4) naging panauhing pandangal ang Presidente ng National Capital Region ASEAN Handicraft Promotion and Development Association Philippines (AHPADA Philippines) Dennis Orlina, kung saan ibinahagi nya ang “Business Continuity Resiliency and Planning” o ang tamang pagpaplano at pagpapatakbo ng isang negosyo.

Natalakay din dito ang consumer trends at consumer threats kung saan ipinaalala niya na hindi lamang dapat sumunod sa uso, bagkus kailangan ding tingnan kung ano ang maaring maging hadlang upang kumita ang isang produkto.

Layunin ng pagsasanay na mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga small-medium enterprises (SME) sa pagpapatakbo ng negosyo at pagtataguyod nito sa lokal at provincial level. (Ella Aiza D. Reyes)