News »


Mga panganib ngayong tag-ulan, pinaghahandaan

Published: July 14, 2017 03:42 PM



Bilang paghahanda sa mga panganib na maaaring idulot ng panahon ng tag-ulan at bagyo, nagsagawa ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) katuwang ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Information Education Campaign Focusing on Rain Induced Landslide and Flooding Geohazard nitong Miyerkules, Hulyo 12.

Naging pangunahing kalahok dito ang mga piling opisyal mula sa 38 barangays ng lungsod kasama ang mga kinatawan ng City Planning and Development Office at City Engineering Office.

Ayon kay CDRRMO Head Amor Cabico, layon ng pagsasanay na ituro sa mga kalahok ang tamang paggamit ng hazard map, gayundin ang pagtukoy sa mga panganib na posibleng harapin ng bawat barangay at ang itatalagang evacuation centers sa kani-kanilang lugar.

Dagdag pa ni Cabico, nakahanda ang CDRRMO sa anumang kalamidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na rescue equipment, rescue vehicles, ambulansya, nakahandang fire truck at higit sa lahat ay well trained ang MAKISIG Rescue 3121 team ng lungsod. Ito ay base sa adbokasiya ng Punong Lungsod Kokoy Salvador na “Sa Bagong San Jose, Lahat ng Mamamayan ay may Kaligtasan”. (Rozz Agoyaoy-Rubio)