Mga Produkto ng San Jose, Pasisikatin!
Published: October 28, 2016 04:59 PM
Upang matulungan na tumaas ang kita at makilala ang mga produkto ng maliliit na negosyante sa lungsod, opisyal nang binuksan kanina (Oktubre 28) ang One Town One Product (OTOP) Pasalubong Center at Negosyo Center na matatagpuan sa Cardenas St., Brgy. F.E. Marcos, sa tapat ng Core Gateway College.
Dito mabibili ang mga produkto ng lungsod gaya ng native na bawang, sibuyas, mga bag na gawa sa beads, tsinelas na gawa sa water lily, iba’t ibang pang-display sa tahanan, mga pagkaing sariling gawa ng San Josenio gaya ng yema spread, peanut butter, pichi-pichi, kutsinta at iba pang mga klase ng kakanin, crispy mushroom, chicharon, frozen products, at marami pang iba.
Ayon kay City Tourism Officer Darmo Escuadro, ito pa lamang ang ika-apat na Pasalubong Center na naitayo sa buong lalawigan ng Nueva Ecija na naglalayong mas mapalakas at mapalago ang mga negosyo at produkto sa buong San Jose. Katuwang dito ang iba’t ibang sektor ng lipunan mula sa mga pribadong sektor at iba pang sangay ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo at gabay sa mga nagbabalak magtayo ng negosyo.
Ipinaabot naman ni DTI Provincial Director Brigida Pili ang kanyang pagbati sa matagumpay na pagbubukas ng Pasalubong Center. Aniya, maaring lumapit sa Negosyo Center ang mga small and medium enterprises (SMEs), maging ang mga nagbabalak magtayo ng negosyo upang sila’y matulungan ng libre, tama at sa epektibong paraan kung papaano magpatakbo ng isang negosyo.
Nagpasalamat naman si Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador sa lahat ng mga tumulong upang maipatayo ang naturang gusali at nangakong susuportahan niya ang iba pang mga pangangailangan nito.
Dumalo rin si Congresswoman Mikki Violago sa pagtitipon at sinabi niyang mas lalo nang makikilala ang Lungsod ng San Jose dahil sa mga poduktong mabibili rito.
Nagalak naman si Bokal Rommel Padilla dahil naimbitihan siya sa okasyong ito. Sa pamamagitan aniya ng Pasalubong at Negosyo Center, natutulungan ang mga maliliit na negosyante upang kumita ng mas malaki.
Nagkaroon din ng signing of memorandum of agreement sa pagitan ng LGU San Jose City at Department of Trade and Industry (DTI) na sinaksihan ng mga dumalo kabilang na ang DTI-Nueva Ecija, DTI-Region III, NE SMEDC Members at ilang mga empleyado ng lokal na pamahalaan. (Ella Aiza D. Reyes)