News »


Milk Supplementation Program sa lungsod, nagsimula na

Published: June 16, 2017 08:48 AM



Inumpisahan na nitong ika-14 ng Hunyo sa ilang piling elementary school ang araw-araw na supplementary feeding program ng lokal na pamahalaan, katuwang ang City Cooperative Development Office, Philippine Carabao Center at Department of Education.

Target ng naturang programa ang mga Grade 1 pupil sa public schools at kabilang sa mga paaralang benepisyaryo ang Calaocan, Balacat, Abar 2nd, Ciriaco at San Jose West Central School kung saan nabigyan ang mga bata ng libreng gatas. Ang mga paaralang ito ang nagtala ng pinaka-mataas na bilang ng mga bata na dumaranas ng malnutrisyon.

Isasagawa ang programa sa loob ng 204 school days at titimbanging muli ang mga bata para makita kung nadagdagan ang kanilang mga timbang.

Bukod sa paghahatid ng suplemento para sa tamang nutrisyon, layunin din ng programa na magkaroon ng kaalaman at kamalayan ang mga kabataan tungkol sa pangkalusugang isyu na ito.

(Ella Aiza D. Reyes)