Miss San Jose City 2018, Kinoronahan
Published: April 28, 2018 06:32 PM
Dumagundong ang Pag-asa Sports Complex nang rumampa ang mga naggagandahang kandidata para sa Miss San Jose City 2018 pageant na ginanap kagabi (Abril 27).
Nag-uumapaw ang saya sa mukha ni Jessa Mae M. De Vera nang koronahan bilang Miss San Jose City 2018. Nangibabaw ang tangkad ng kandidata na lalong lumutang dahil sa kanyang “poise & projection” at husay sa Question & Answer round, ayon sa mga hurado.
Hakot award din ang binibini nang igawad sa kaniya ang anim na special awards, kabilang na dito ang Best in Casual Wear, Best in Evening Gown, Miss Whizler Photogenic, Miss Northern Spa Holistic Personality, Miss Skin Light at Miss Grand Touring Tourism Award.
Si De Vera, 19 taong gulang, ay ipinanganak sa Pangasinan subalit tatlong taon nang naninirahan sa lungsod sa piling ng kanyang lolo at lola. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education, Major in English sa Central Luzon State University.
Samantala, itinanghal naman ang labimpitong gulang na si Jihan P. Medenilla bilang 1st runner-up. Si Medenilla ay isang consistent honor student at editorial staff sa pahayagan ng kanyang paaralan. Sinundan naman siya bilang 2nd runner ni Sarah Gabriel, isang half-Nigerian, half-Pinay na ipinangak sa Lebanon.
Kaugnay nito, hindi naman magkamayaw ang mga manonood nang makita ang Pinoy Big Brother 737 2nd Big Placer Tommy Esguerra na isa sa nagsilbing celebrity judge kasama ang Bb. Pilipinas World 2009 Marie Ann Umali, celebrity make-up artist Mickey See, Garage Magazine editor-in-chief Rey Ilagan, at Mercator Models & Management Vice President for Fashion Mau de Leon.
Nagsilbing host ang international model na si Marc Nash.
Hindi lamang ganda ng mga kandidata ang namalas noong gabing iyon kundi talento rin ng mga kabataang mananayaw sa lungsod. Nagpakita ng kanilang galing sa dance medley ang mga grupo ng CONSOLE, The Community at Version 3.
Tampok din ang kagila-gilalas na performance ng fire dancers mula sa Alab Poi Dance Group, na lalong nagpainit sa swimsuit competition.
Pagkatapos naman ng eleganteng paglalakad ng mga kandidata suot ang kanilang evening gown, hinarana sila ni Dennis Dela Cruz, bokalista ng GILIW, isang banda sa Nueva Ecija.
Isinalin ni Rosemarie Ancheta ang korona ng Miss San Jose City sa itinanghal na titleholder ngayong taon.
Hindi naman mawawala ang butihing Punong Lungsod Kokoy Salvador at kanyang may-bahay Veronica Salvador para magpakita ng suporta sa Miss San Jose City 2018 pageant kasama ang kanilang pamilya.
Ang nasabing patimpalak ay isa sa pinaka-aabangang bahagi ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Narito naman ang mga pinalad na nagwagi ng special awards:
Miss Luxxe White Beautiful Skin: #13 Jihan P. Medenilla
Miss Congeniality: #9 Sarah S. Gabriel
Miss Alesso Body Physique: #11 Lea Jane C. Ariem
Best in Swimwear: #9 Sarah S. Gabriel
Miss Camella Homes Team Elite People’s Choice Award: #6 Christine Arabelle L. Benito
Jayson Mina & Maricar Salon Gorgeous Personality Award: #13 Jihan P. Medenilla
Miss Buhok 101 Beautiful Hair Award: #9 Sarah S. Gabriel
Miss Graphicom Confident Beauty Award: #9 Sarah S. Gabriel
Kabilang sa Top 10 sina #1 Danica Quicho, #4 Jean Michelle Dela Cruz, #5 Bryllie Martin, #8 Roselle Bernardino, #11 Lea Jane Ariem, #12 Jean Cardinoza, at #18 Jane Ganayo.