News »


Most Compliant to the Implementation of Approved 10-year Solid Waste Management Plan

Published: June 26, 2023 03:24 PM



Isa na namang parangal ang nakamit ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose matapos itong kilalanin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang Most Compliant to the Implementation of Approved 10-year Solid Waste Management Plan.

Tinanggap nina Vice Mayor Ali Salvador at City Environment and Natural Resources Officer Marites Pangilinan ang parangal sa ginanap na Environmental Summit 2023 sa Widus Hotel, Clark Freeport Zone ngayong araw (Hunyo 26).

Tanging ang lungsod lamang ang nagkamit ng naturang pagkilala sa buong Nueva Ecija.