Pagibang Damara Festival 2024 »
Mr. and Ms. San Jose City Coronation Night #PagibangDamaraFestival
Published: April 22, 2024 10:00 AM | Updated: May 29, 2024 03:36 PM
Nagningning ang entablado ng Pag-asa Sports Complex nitong Abril 19 sa pagtatanghal ng pinakaaabangang Mister and Miss San Jose City 2024 Grand Coronation Night, ang pinaka-eleganteng programa sa ilalim ng Pagibang Damara Festival.
Mula sa 11 kababaihang kalahok sa patimpalak, nangibabaw ang husay ni Erinn Lance Dela Cruz (Brgy. F.E. Marcos), estudyante ng kursong BS International Travel and Tourism Management sa Lyceum of the Philippines University, at kinoronahang Miss San Jose City 2024.
Nasungkit din ni Dela Cruz ang gantimpala para sa Miss DWELL Prestige Beauty, Best in Modern Filipiniana, Miss Body Physique, Best in Swimwear, at Best in Evening Gown.
Napansin naman ng mga hurado ang tikas at talino ng mag-aaral ng kursong BS Computer Science sa STI College na si Jazer Sanil (Brgy. R. Eugenio), na siyang ginawaran ng titulong Mister San Jose City 2024 mula sa 11 kalalakihang kandidato.
Itinanghal na Miss San Jose City 1st Runner-up si Honey Grace Capili (Brgy. Sto. Tomas), isang mag-aaral ng Business Administration sa Central Luzon State University (CLSU) at 2nd Runner-up naman si Mikaela Jane Pascua (Brgy. Calaocan) na nagsusulong ng Sustainable Development Goals at kumukuha ng kursong Textile & Fashion Technology sa parehong unibersidad. Nahirang din si Pascua bilang Miss Photogenic.
Sa kalalakihan naman, sina Vinhardt Correa (Brgy. San Agustin), mag-aaral ng Senior High sa San Jose City National High School ang nagwaging Mister San Jose City 1st Runner-up at Alexies Dela Cruz (Brgy. Sto. Niño 1st) na kilala bilang delivery rider ang 2nd Runner-up.
Hinakot din ni Correa ang mga gantimpala para sa Mister Max's People Choice, Mister Body Physique, Best in Swimwear, at Best in Formal Wear. Si Dela Cruz naman ang itinanghal na Mister DWELL Prestige Beauty.
Kabilang din sa mga binigyang parangal noong gabi sina Sean Michael Aguila (Brgy. Abar 1st) bilang Mister Photogenic, Micaela Dela Cruz (Brgy. Villa Joson) bilang Miss Max's People's Choice, at Jairus Macadangdang (Brgy. F.E. Marcos) bilang Best in Modern Barong, habang Mister at Miss Congeniality naman sina Joshua Onia (Brgy. Abar 1st) at Vanessa Mae Nariz (Brgy. Sto. Niño 2nd).
Mas naging prestihiyoso ang programa sa presensiya ng mga huradong sina Pauline Amelincx (Miss Supranational 1st Runner-up), Hannah Arnold (Bb. Pilipinas International 2022), Krishna Gravidez (Miss Charm Philippines 2024), Joshua De Sequera (professional model at Manhunt International 2022 1st Runner-up), Argel Saycon (TV actor at dating PBB housemate), Valentino Jaafar (model at TV actor), at Justin Uy (model).
Nagsilbing host naman sina Miss Charm 2023 1st Runner-up Annabelle McDonnell at Ginoong Bulacan 2022 Than Perez.
Hindi lamang kagandahan, tikas, at talino ng San Josenio ang namayagpag sa programa kundi pati talento rin ng mga mang-aawit at mananayaw ng lungsod.
Nagpamalas ng husay sa pag-awit si Benedict Paulo Vinluan, The Voice Teens 2024 semi-finalist, at mga grupo ng mananayaw na Be Real at Team Rocket.
Naimbitahan din para sa pambungad na bilang ang Cabanatueñong si Marhia Sanchez, Eat Bulaga 2023 Bidanext Finalist.
Samantala, binigyan ng pagkilala sa programa ang tagumpay sa 2023 national competitions nina Princes Lazaga, Ivan Aikon Ignacio, at Daniel John Felismino, pawang mga dating nagwagi sa Mister & Miss San Jose City. Si Ignacio rin ang kauna-unahang nagdala ng bandera ng San Jose City sa international pageant nang manalo ito bilang 2nd Runner-up sa Mister Cosmopolitan na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Oktubre 2023.
Nagbigay inspirasyon din ang makabuluhang mensaheng iniwan nina Mister San Jose City 2023 John Dave Apostol at Miss San Jose City 2023 Mariya Jeffy Felimon sa kanilang ceremonial farewell walk.
Si Apostol ay nagtapos na Cum Laude sa kursong Business Administration sa CLSU at ngayon ay isa nang flight attendant sa Philippine Airlines, habang si Felimon naman ay napagsasabay rin ang pagiging mahusay na student athlete at local beauty queen.
Nagbigay rin ng maikling mensahe si Mayor Kokoy Salvador at pinasalamatan ang komiteng bumubuo sa Mister & Miss San Jose City na ngayon ay kilala na bilang isang prestihiyosong beauty pageant sa Nueva Ecija.