News »


National Simultaneous Earthquake Drill | 28 September 2016

Published: September 28, 2016 12:34 PM



Lungsod San Jose, nakiisa sa nationwide earthquake drill

Pansamantalang nahinto ang trababo ng mga empleyado ng City Hall upang makiisa sa National simultaneous Earthquake Drill para sa posibleng pagtama ng 7.2-magnitude earthquake sa bansa.

Tumunog ang serena eksakto alas-9:00 kaninang umaga, bilang hudyat ng pagsisimula ng drill.

Maagap na nagsilabasan ang mga empleyado mula sa kani-kanilang opisina na pawang mga naka-duck, cover and hold.
Isa-isa ding iniligtas ng rescue team ang mga nagsilbing mga sugatan at na-trap na biktima sa mga kunwari’y gumuhong gusali.

Bukod sa medical at rescue teams, may mga nakaantabay ding mga bumbero sa posibleng pagsiklab naman ng sunog sakaling gumuho ang isang gusali.

Naging katuwang ng BFP at Rescue 3121 sa pamumuno ni Amor Cabico, ang PNP San Jose, 3rd Infantry Battalion 7th Infantry Division Philippine Army, CHO Medical Team at mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng shake drill. (Ella Aiza D. Reyes)