COVID-19 Bulletin »


National Vaccination Days Event

Published: December 29, 2021 01:00 PM



Makilahok sa National COVID-19 Vaccination Days ngayong Nobyembre 29, 30, at Disyembre 1, 8:00am-8:00pm sa PAG-ASA Sports Complex, City Proper.

- Puwedeng mag-walk-in ang 12 taong gulang pataas (FIRST DOSE only)
- Kung 12-17 years old, kailangang may kasamang magulang o guardian ang bata. (Kailangang pirmahan ng magulang o guardian/tagapag-alaga ang Informed Consent Form para mabakunahan ang bata.)

MGA DAPAT DALHIN KUNG EDAD 12-17 ANG MAGPAPABAKUNA:
1. Kung may comorbidity ang bata, medical certificate na nagsasaad ng comorbidity ng batang babakunahan. 
2. Proof of filiation o dokumento na nagpapatunay ng relasyon o kaugnayan ng batang babakunahan at ng magulang o guardian (gaya ng birth certificate). Kung guardian ang kasama, kailangan ang notarized affidavit o barangay certification. 
3. Valid ID ng bata at ng magulang o guardian.
PAALALA:
- Huwag magpuyat kung magpapabakuna.
- Hindi maaaring magpabakuna kung may sakit gaya ng ubo, sipon, o lagnat.
- Ang registration form ay makukuha sa vaccination site (PAG-ASA).
- Magdala ng valid ID at sariling ballpen.
- Magsuot ng face mask at face shield.
- Panatilihin ang physical distancing. 

TANDAAN: Sa bakuna, protektado ka!

#NationalVaccinationDay
#Resbakuna
#BidaBakunation