NEPPO PNP SWAT Training Program
Published: October 08, 2021 03:00 PM
Pormal na inilunsad ng Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO) nitong umaga, Oktubre 8, sa NEPPO Gymnasium ang PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) Training Program para sa mga piling kapulisan ng probinsiya, kabilang ang 13 pulis mula sa Lungsod San Jose.
Dumalo sa Opening Ceremony si Punong Lungsod Kokoy Salvador at ang hepe ng San Jose City Police Station PLtCol Criselda de Guzman.
Ginawaran naman ni Col. Rhoderick Campo, Provincial Director ng NEPPO, ng sertipiko ng pasasalamat si Mayor Kokoy dahil sa suporta nito sa programa.
Sa buong probinsiya, ang Lungsod San Jose ang may pinakamaraming pulis na ipinadala sa nasabing training program.