News »


Nutrition Month Awarding Program

Published: July 31, 2023 03:55 PM



Pinarangalan ngayong huling araw ng Buwan ng Nutrisyon (Hulyo 31) ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang patimpalak na inorganisa ng City Nutrition Office (CNO).

Kabilang sa mga nanalo at nanguna ang mga sumusunod:
- Dress Me Fruits & Veggies: Misha Princel Callorina/Princess Soriano (R. Rueda Sr)
- Wrap a Baby: Milliscent Nuca/Janet Gabriel (Parang Mangga)
- My Baby Monthsary: Rydel Estabillo/Donnadel Estabillo (Porais)
- My Baby Bump Photo contest: Bea Capuno (Pinili)
- Breastfeeding Photo contest: Janine Anastacio (Abar 1st)
- Baby Crawl Contest: Zach Archie Valdez (Tulat) at Akeeziah Ramos (C. Sanchez)

Bukod dito, pinarangalan din ang Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) na si Marieanne Pacariem ng Porais, at Most Outstanding Barangay Nutrition Committee rin ang nasabing barangay.

Kinilala rin si Celia Nicolas ng CNO bilang 2022 Outstanding City Nutrition Program Coordinator.

Idinaos ang programa sa Learning and Development Room sa City Hall kung saan dumalo si Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Ayon kay Vice Mayor Ali, dapat mula pagkabata ay magabayan na nang maayos ang mga tsikiting.

Bukod sa tamang nutrisyon ay mahalaga rin aniya ang kanilang edukasyon, kaya naman ibinahagi niya ang pagpapatayo ng Kolehiyo ng Lungsod San Jose at inuumpisahan na ring palakihin ang Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ).