News »


Nutrition Month, pinasigla ng mga mommies at babies

Published: July 28, 2017 04:01 PM



Iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo na may temang “Healthy Diet, Gawing Habit for Life” ang aktibong sinalihan hindi lamang ng mga bata kundi maging ng mga nanay at mga sanggol nitong Hulyo 25.

Kaugnay nito, nagkarera ang mga sanggol edad walo hanggang siyam na buwan para sa Baby Crawl Contest at nanguna rito si baby Arnel Cenon Jr., na sinundan naman nina baby King Aeron Joseph Inocencio at baby Osman Villareal para sa boys category.

Samantala, si baby Natalie Cabianan naman ang nanguna para sa girls category, pumangalawa rito si baby Alleah Valdesimo, na sinundan ni baby Jenwell Cacho.

Lalo pang naging listo ang mga bata sa larong Bring Me na sinuportahan naman ng kani-kanilang mga nanay at nasungkit ito nina Felix John Reyes at Liyan Kylie Somera.

Wagi naman sina Ardee Aguinaldo ng Sto. Tomas at Alexa Joy Nicolas ng Tulat na nilasap ang sustansya ng gatas ng kalabaw para sa Milk Drinking Contest.

Dagdag pa rito, sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng My Baby Bump Photo Contest kung saan nagpagandahan ng litrato ang mga soon-to-be mommies at naghanda ng kani-kanilang mensahe para sa kanilang sanggol sa sinapupunan.

Nasungkit ni Camille Gaviran ang unang pwesto sa nasabing contest, pangalawa naman si Marilou Ciriaco, pangatlo si Jennifer Soniega.

Nagpagalingan naman sa Nutri-Puzzle ang mga nanay kung saan nakuha ni Joana Marie Prado ang 1st place, 2nd place naman si Josel Rose Maximo at pumangatlo si May Sagun.

Nagkaroon din ng Diaper Derby kung saan nag-unahan ang bawat grupo ng mga nanay na gumawa ng diaper gamit ang isang tissue roll.

Ang lahat ay umuwing masaya dahil nakatanggap din ng consolation prize ang mga hindi pinalad na manalo.

(Rozz Agoyaoy - Rubio)