News »


Oldest Living San Josenians

Published: August 02, 2023 03:14 PM



Binisita ngayong araw (Agosto 2) ni Mayor Kokoy Salvador ang apat na ‘Oldest Living San Josenian’ upang igawad sa kanila ang regalo ng Lokal na Pamahalaan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 54th San Jose City Day.

Kabilang sa mga kinilala ang 105 taong gulang na si Lola Rosalina Magastino mula sa Batong Lusong, Villa Floresta; gayundin si Lola Flora Saldevar ng Tahanan ng Damayang Kristiyano (TDK), Parang Mangga at mga taga-Calaocan na sina Lola Maria Resurreccion at Anatalia Dizon na pawang 99 na taong gulang.

Nakatanggap ang bawat isa ng PHP25,000.00, fruit basket, bigas, at Sertipiko ng Pagkilala na iniabot mismo ng Punong Lungsod, kasama si Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Chairperson Rodolfo Saplaco.

Tutulungan din ng lokal na pamahalaan si Lola Rosalina sa pagproseso ng kanyang Centenarian Gift na isang daang libong piso na magmumula naman sa nasyonal na pamahalaan.