News »


Oldest Living San Josenians

Published: August 08, 2023 01:41 PM



Hinatiran ng mga regalo ngayong araw, Agosto 8 ni Vice Mayor Ali Salvador ang dalawa pang ‘Oldest Living San Josenian’ na sina Lola Bricia Sevilla ng Brgy. Dizol at Lola Lucila Aglibo ng Brgy. A. Pascual.

Sina Lola Bricia at Lola Lucila ay parehong 100 taong gulang at pinagkalooban ng PHP25,000.00, fruit basket, bigas, at Sertipiko ng Pagkilala.

Nauna nang binisita ni Mayor Kokoy Salvador nitong Agosto 2 ang apat na ‘Oldest Living San Josenian’ na sina Lola Rosalina Magastino, Flora Saldevar, Maria Resurreccion, at Anatalia Dizon na ginawaran din ng parehong regalo ng lokal na pamahalaan.

Kinikilala taon-taon ang mga pinakamatandang nabubuhay na San Josenio rito bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Lungsod San Jose (City Day).