Onion Cold Storage Facility, iginawad sa KALASAG MPC
Published: March 10, 2023 02:03 PM
Opisyal nang ipinagkaloob sa Kaliwanagan San Agustin Multi-Purpose Cooperative (KALASAG MPC) ang Onion Cold Storage Facility na may kapasidad na 10,000 bags mula sa High Value Crops Development Program (HVCDP) ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office-3.
Pinangunahan nina DA Central Luzon Regional Executive Director Crispulo Bautista Jr., HVCDP National Director Gerald Glen Panganiban, at Provincial Agriculturist Bernardo Valdez ang pagpapasinaya ng nasabing pasilidad kahapon (Marso 9).
Kasama rin sa turn-over ceremony sina Vice Mayor Ali Salvador, City Cooperative Development Officer Ma. Cristina Corpuz, KALASAG MPC Chairperson Arnold Dizon, at mga kinatawan ng City Agriculture Office.
Lubos naman ang pasasalamat ng kooperatiba sa DA at lokal na pamahalaan dahil sa malaking maitutulong ng cold storage facility para maimbak nang mas matagal ang mga naani nilang sibuyas.
Makaraan ang programa ay dumayo rin ang mga bisita sa Vegetable Derby sa Brgy. Porais.