COVID-19 Bulletin »


Online Appointment/ Pre-Registration

Published: April 16, 2021 05:00 AM   |   Updated: May 21, 2021 04:19 PM




SAN JOSE CITY COVID-19 VACCINATION PROGRAM 

Online Appointment/ Pre-Registration
(For FIRST DOSE only) 

?? Para sa mga senior citizen o taong may co-morbidity na nais magpabakuna, kumpletuhin ang detalye sa online form na ito. 
?? Makakatanggap ng kumpirmasyon ang nagpa-rehistro online kung kailan ang kanilang schedule, depende sa dating ng bakuna.
??Dalawa ang paraan ng pre-registration: (1) gamit ang form na ito at (2) personal registration sa PAG-ASA Sports Complex sa April 19, 2021, mula 8:30 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
?? Ang online pre-registration ay automatic ang numbering.
?? Para sa pagpapa-rehistro nang personal, kailangang magtungo sa PAG-ASA Sports Complex sa April 19, 2021 mula 8:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon ang senior o awtorisadong kamag-anak o representative. Magdala lamang ng ID ng senior at consent form/authorization letter.
?? Iipunin ang listahan ng mga nagpa-rehistro online at kapag may paparating o dumating na bakuna, makakatanggap ng text ang mga nasa listahan. Halimbawa, may dumating na 200 bakuna para sa first dose, ang papupuntahin sa vaccination site ay ang unang 100 na nakapagpa-rehistro online at 100 na nagpa-rehistro nang personal. Sila ay makakatanggap ng text kapag dumating ang bakuna.
?? Sa araw ng pagbabakuna, kailangang dalhin ang mga sumusunod: valid ID o senior ID at medical certificate (para sa mga may co-morbidity). 
?? Paunawa: ang schedule ng pagbabakuna at bilang ng taong babakunahan ay naka-depende sa supply na ibibigay ng DOH.

Link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScbSaLYZL5Yy_EdzUV6Ymgz5V04dwoGUvyuMXw7Lvk_-xJWmg/viewform?fbclid=IwAR1oRFTE-zHUKGpORJNDns5Md-rU5zo0Use4QMg4XrPv5pqlcH-4QB6-7NU