News »


Opening of BAHAY PAG-ASA | 6 September 2016

Published: September 07, 2016 04:46 PM



Bilang bahagi ng programang Oplan Tokhang ng PNP para sa mga sumuko at nagpositibo na illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga, tinipon ang mga surrenderees nitong Martes para ibalita sa kanila ang mga programang handog ng lokal na pamahalaan na makatutulong sa kanilang ganap na pagbabagong buhay.

Ilan sa mga ito ay ang programang pang-edukasyon gaya ng Alternative Learning System o ALS ng DepEd para sa mga nagnanais makapagtapos ng High School na tinalakay ni DepEd Division Superintendent Teresa Mababa.

Mayroon din namang para sa mga nagnanais kumuha ng kursong Shielded Metal Arc Welding o SMAW NC-1 at NC-2 na kasalukuyang inaalok sa San Jose City Skills Training Center na tinalakay naman ni Executive Assistant V Cesar “Sandy” Cervantes.

Ayon kay Ginoong Cervantes, samantalahin ang oportunidad na ito dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

Dumalo rin sa pagtitipon ang butihing Punong Lungsod Mario Kokoy Salvador na nagbigay ng makabuluhang mensahe para sa kanila.

Payo ni Mayor “Kokoy” na pahalagahan ang kanilang buhay at huwag itong sayangin at hayaang masira.
Dagdag pa ng Punong Lungsod na aasa sya sa ganap nilang pagbabagong buhay para sa kanilang sarili, pamilya at para maging produktibong mamamayan.

Pumirma naman sa Pledge of Commitment ang mga City Anti-illegal Drug Abuse Convenors na pinangunahan ni Mayor “Kokoy” Salvador na tumatayong Chairman kasama ang mga miyembro nito na sina Konsehal Nino Laureta, City Social Welfare and Development Officer Lourdes Medina, DepEd Division Superintendent Teresa Mababa, LT COL Randy Remonte, Executive Assistant V Cesar Cervantes, Engr. Edgardo Alfonso, Rev. Fr. Ace Ferando Cara at Radyo Natin San Jose Station Manager Glovyn Alegrado.

Kasabay nito, pormal ding binuksan ang Bahay Pag-asa sa Sto. Nino 1st na magsisilbing rehabilitation center ng mga Children in Conflict with the Law, na pinangunahan ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” at Police Chief Inspector Danilo Cuevas kasama ang mga miyembro ng City Anti-illegal Drug Abuse Convenors.