Operation Tule 2018
Published: April 20, 2018 06:21 PM
Bilang suporta sa isang gawaing parte na ng ating kultura, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Operation Tule para sa mga kabataang San Josenians.
Kaugnay nito, para mas maging organisado at mapanaliti ang kaayusan ng naturang aktibidad, binigyan ng schedule ang bawat barangay sa lungsod.
Sinimulan ang libreng tule noong Abril 2 at ito ay magtatapos sa Abril 24, kung saan ang mga naserbisyuhan na ay ang mga kabataang lalaki mula sa Barangay Calaocan, Tondod, A. Pascual, San Mauricio, Camanacsacan, Tulat, Dizol, Parang Mangga, Tabulac, Crisanto Sanchez, R. Eugenio, Canuto Ramos, Sinipit Bubon, Sibut, Kaliwanagan, Culaylay, Villa Marina, San Agustin, Pinili, San Juan, Palestina, Bagong Sikat, Porais, Villa Joson, Sto. Nino 1st, Sto. Nino 2nd, Sto. Nino 3rd, Malasin, Tayabo, Kita-kita, Manicla, Villa Floresta at Abar 1st.
Sa Lunes (Abril 23) at Martes (Abril 24), ang naka-schedule naman ay ang mga tiga-Caanawan, Sto. Tomas, F.E. Marcos, R. Rueda Sr. at Abar 2nd na gaganapin sa City Health Office (CHO).
Bumisita rin si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa nasabing aktibidad at nagbigay ng lakas ng loob sa mga bata.
Hinikayat ni Mayor ang mga kabataang lalaki na magpatuli sa City Health Office upang mabigyan ng ligtas at maayos na operasyon para makaiwas sa anumang impeksiyon.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa City Health Office (CHO).