Oplan Daloy, Tuloy-Tuloy pa rin
Published: July 11, 2017 05:38 PM
Simula noong nakaraang buwan ay madalas na nga ang pagbuhos ng malakas na ulan, at ang panahon na ito ay sinasabayan naman ng aktibong operasyon ng Oplan Daloy ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng City Engineering Office.
Ang Oplan Daloy ay regular na nagsasagawa ng de-clogging at desilting operations sa mga daluyan ng tubig upang mapanatiling malinis at walang bara ang mga ito, at maiwasan ang pagbaha.
Sa pamamagitan ng Oplan Daloy, naiiwasan ang pagkakaroon ng mga stagnant water na maaring pamahayan ng lamok na nagdudulot ng sakit na dengue at mga daga na maari namang makapagdulot ng leptospirosis.
Kabilang sa mga lugar na nalinis nitong mga nakaraang lingo ay ang Christianville, Pinagcuartelan, Manicla, Sto. Nino 1st / Palengke, Calaocan, Encarnacion, Sitio Delaen, Panlasian.
Ito ay bahagi pa rin ng adbokasiya ng Punong Lungsod Kokoy Salvador na tuloy-tuloy na pagsasa-ayos ng lungsod.