Programs, Projects and Activities »


Oplan Kalinisan Community Service (June 18, 2021)

Published: June 18, 2021 03:00 PM



Nagsanib pwersa ang Oplan Kalinisan at ilang health protocol violators  sa paglilinis sa Brgy. Calaocan nitong Miyerkules, Hunyo 16.

Ang mga nahuhuling lumalabag sa mga alituntunin na umiiral sa lungsod sa bisa ng City Ordinance 20-021 ay pinapatawan ng multang isang libong piso o anim na oras na community service. 

Kabilang sa mga alituntuning nakapaloob sa ordinansa ang pagsunod sa curfew hours, pagsusuot ng face mask, at pagme-mentina ng pisikal na distansya sa bawat isa.