Oplan #KarWin
Published: October 19, 2016 06:41 PM
Pinaigting ng lokal na pamahalaan ang paghahanda sa Bagyong Lawin ngayong araw, kung saan personal na binisita ni Mayor Kokoy Salvador ang mga daluyan ng tubig na kadalasang binabaha, upang siguraduhin na ito ay maisasaayos mula sa mga pinsalang idinulot ng Bagyong Karen.
Nitong umaga ay inatasan din ng Punong Lungsod ang mga pangunahing kabilang sa Local Disaster Risk Reduction & Management Council matapos ang ginawang pagpupulong para sa kahandaan sa Bagyong Lawin, na maging mapagbantay simula ngayong gabi, kaya't sila ay nasa command center na sa City Hall simula nang maramdaman na ang hangin kani-kanina. Ang City Social Welfare Development Office ay abala na rin sa paghahanda sa mga relief goods na kakailanganin sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.
Idineklara na ng Pamahalaang Panlalawigan na walang pasok ang mga kawani ng gobyerno bukas, Oktubre 20, subalit kailangang gampanan ng LDRRMO ang kanilang "call of duty". Binigyang diin ni Mayor Kokoy Salvador na mas dapat pagbutihin ang serbisyo sa mga kababayan sa lungsod sa mga ganitong panahon.
Nag-ikot din ang iba't ibang sangay ng pamahalaan nitong mga nakaraang araw upang i-assess ang pinsalang idinulot ng nagdaang bagyo sa mga pananim at inprastraktura. Nagpatuloy din ang pamimigay ng relief goods sa mga lugar na nangailangan nito.
Patuloy na pinag-iingat ang ating mga kalungsod sa parating na bagyo.