Orientation on DOLE-TUPAD
Published: June 16, 2021 01:00 PM
Matagumpay na ginanap ang oryentasyon ng ikatlong batch na binubuo ng 103 benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), nitong Martes, Hunyo 15, sa Brgy Calaocan PAG-ASA Gym.
Ang mga benepisyaryo ng tupad ay maglilinis sa kanilang mga barangay sa loob ng sampung araw. Kapalit nito, makatatanggap sila ng sahod na PHP420.00 kada araw.
Inilahad sa naganap na oryentasyon ang layunin ng programang makapagbigay ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho o sa mga labis na naapektuhan ang kita sa paghahanapbuhay dulot ng pandemya.
Ipinaliwanag din ang mga nakapaloob sa kanilang nilagdaang kontrata maging ang pagkakaroon nila ng TUPAD identification card, at ang nakatakdang pag-enrol sa kanila sa Government Service Insurance System (GSIS).
Bukod dito, nakatanggap din sila ng libreng uniporme, sumbrero, face shield, at face masks na kanilang gagamitin kapag nagsimula na ang kanilang trabaho.
Naisakatuparan ang programang ito sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, Konsehala Trixie Salvador, at ni Senior Labor and Employment Officer Lilybeth Y. Tagle ng Public Employment and Service Office (PESO), kay Sen. Joel Villanueva na naglaan ng isa’t kalahating milyong pondo para sa TUPAD.
Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan partikular na ang PESO sa iba’t ibang sangay ng gobyerno para sa mga livelihood programs na makatutulong sa mga San Josenio.