Orientation on Integrated Community Food Program (ICP)
Published: September 23, 2016 05:15 PM
Sumalang sa oryentasyon ang 300 benepisyaryo ng Integrated Community Food Production (ICFP) kung saan tumaggap ang mga ito ng garden tools, planting materials at tig-isang kambing nitong ika-22 ng Setyembre.
Sa pangunguna ng mga kinatawan ng National Anti-Poverty Commission o NAPC ibinahagi dito ang pagbibigay kaalaman sa paghahalaman, pangangalaga ng kambing at vermicomposting.
Hiniling naman ni City Mayor Kokoy Salvador sa mga benepisyaryo na pagtuunan ng pansin ang mga paksang itinuro sa kanila, upang mapalago nila ang kanilang kabuhayan.
Sinabi din ng Punong lungsod, na sa pamamagitan ng programang ito ay hindi lang sila nabibigyan ng pagkain kundi natututo pa silang magkaroon ng sariling pagkakakitaan. Naniniwala aniya sya sa kasabihang “Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime”.
Ang naturang programa ay ipapalaganap mula Setyembre 2016 hanggang Setyembre 2017 at masusing imomonitor ng City Agriculture Office, City Veterinary Office, City Nutrition Office at ng City Cooperative Development Office.